Redirecting to Main URL

Engaged na ang sexy actress Juliana Palermo



Engaged na ang dating sexy actress at ngayo’y full-time mom na si Juliana Palermo.

Nitong Linggo, August 29, 2021, masayang inanunsiyo ni Juliana, 36, sa kanyang Instagram account na ikakasal na sila ng kanyang non-showbiz American boyfriend na si Joel Crabtree, 39.

Naganap ang kanilang engagement habang nakabakasyon sa Cancun, Mexico.

Sa ilang litratong pinost ni Juliana ay makikita ang suot niyang diamond engagement ring.

May ilang litrato rin ng proposal kung saan sinabi ng long-time partner niya ang, “Will you marry me?”

Sa caption, saad ni Juliana, “Nasagot na din lahat ng bakit… I love you, Daddy [blue and white heart emojis] #swipeleft”

Base sa mga social-media posts ni Juliana, dalawang taon na silang magkarelasyon ni Joel. Meron na rin silang isang anak na lalake, si Jack Alexander, na nag-one year old noong March 7, 2021.

Sila ngayon ay naninirahan sa Indiana.

Taong 2019 nang lumipat patungong U.S. si Juliana kasama ang panganay nitong anak na si Ace Christian, 10. Si Ace ay anak ni Juliana sa dati nitong boyfriend na nakilala niya sa New Zealand.

Bago iniwan ni Juliana ang showbiz ay gumanap ito sa pelikulang www.XXX.com (2003) na idinirek ni Tikoy Aguiluz.

Kasama rin siya sa Panaghoy Sa Suba (2004), Kaleldo (2006), Faces of Love (2007), Agent X44 (2007), Kasal, Kasali, Kasalo (2006) at Sakal, Sakali, Saklolo (2007).

Pansamantalang umalis sa entertainment scene ang 36-year-old star noong 2008. Noong mga panahon na iyon ay nagtrabaho siya sa isang website company sa Hong Kong.

Nagkaroon ng maiksing showbiz comeback si Juliana noong 2012 nang maging cover girl siya ng Playboy Philippines.

Bago tumungo sa U.S. for good, nag-focus si Juliana sa kanyang business at naging bahagi rin ng tourism department sa hometown niya sa Davao.

Sa isang Instagram Story noong November 2020, tinanong si Juliana ng isang follower kung nami-miss ba nito ang showbiz.

Sagot ni Juliana, “I miss the acting part of the job. All the things that come with it though, I’m not so sure. It’s not easy being in showbiz. I’m happy where I am.”

source